CAGAYAN DE ORO CITY - Nagimbal ngayon ang pamilya ng suspek sa pangangatay ng isang binatilyo sa Naawan, Misamis Oriental.
Ito'y matapos inamin ng suspek na si Jovencio Toyor ng Naawan, Misamis Oriental na lihim nitong pinakain ang kanyang pamilya ng karne ng 16-anyos na si Rey Gadule na kanyang kinatay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan De Oro kay Insp. Carlos Oliveros, hepe ng Naawan Police Station, sinabi nito na inamin ni Toyor na hindi lamang ang kanyang mga kaibigan ang nakakain ng laman ng tao ngunit maging ang kanyang pamilya.
Dagdag pa ni Oliveros, matapos tinaga at kinatay ni Toyor ang biktima, kumuha pa ito ng laman sa may tadyang at dinala sa bahay para lutuin sa hapunan.
Ito umano ang inulam ng kanyang asawa at tatlong anak sa hapunan.
Sa ngayon nasampahan na ng kaso ang suspek na si Jovencio Toyor ang tatlo nitong kasamahan sa pagkatay sa biktima na sina Arante Maravilas, Jojo Candar at Jong Candar.
From Abante-Tonite
PINAGTATAGA hanggang mapatay saka ginawang kilawin at pinulutan ang isang 16-anyos binatilyo ng ama ng kanyang kaaway at tatlo pang kainuman sa Misamis Oriental kamakalawa.
Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ni Rey Dadoles sa madamong bahagi ng Bgy. Mat-I sa bayan ng Naawan.
Nadiskobreng may 22 taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima at laplap ang laman sa kanyang tagiliran habang nawawala ang iba pang mga parte.
Arestado naman ng mga awtoridad ang pangunahing salarin na si Jovencio Tuyor at tatlo pang kasabwat na hindi na tinukoy ang pagkakakilanlan.
Inamin ni Tuyor na pinatay nila si Dadoles at ginawang kilawin ang ilang bahagi ng katawan upang ipaghiganti ang anak na binugbog ng biktima.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong murder laban sa mga salarin.

No comments:
Post a Comment